Pages

Monday, February 29, 2016

Peace Covenant sa Malay, naging matagumpay!

Posted February 29, 2016
Ni Mackie Pajarillo YES FM Boracay

Naging matagumpay ang ginanap na Peace Covenant ng Commission on Elections (COMELEC), Malay, dakong alas-dos kahapon ng hapon.

Ito’y sa pakikipagtulungan sa St. Joseph the Worker Parish sa pangunguna ni Rev. Fr. Anthony Jizmundo, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP) Aklan Chapter, Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), Malay Municipal Police at Philippine Army.

Kanya-kanya namang lagda at pakikipag-kamay ang mga kandidatong magkatunggali na tumatakbo para sa nalalapit na May 2016 elections matapos ang ginawang mensahe na Malay Comelec Election Officer II Elma Cahilig.

Sa kabilang banda, nanawagan naman si Malay Police Senior Inspector Frensy Andrade sa mga kandidato na kailangan umano nilang pagsabihan ang kanilang mga lider sa bawat barangay para maging mapayapa at hindi magkagulo sa nalalapit na halalan.

Samantala, nagtapos naman ang nasabing peace covenant na may ngiti at galak sa bawat magkatunggaling partido sa pamamagitan ng “budol fight”.

No comments:

Post a Comment