YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 25, 2016

BFP Boracay, magsasagawa ng motorcade ngayong Fire Prevention Month

Posted February 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Apat na araw bago sumapit ang buwan ng Marso ay nakatakdang magsagawa ng motorcade ang Bureau of Fire Protection (BFP) Boracay bilang paghahanda sa Fire Prevention Month.


Ito ang sinabi ni Senior Fire Officer 3 Oscar Deborja ng BFP Boracay, kung saan ngayong Martes ay magsasagawa sila ng motorcade simula ala-6 ng umaga sa Cagban hanggang sa Eco Village sa bry. Yapak.  

Maliban dito, nagbabahay-bahay na rin sila ngayon para mamigay ng mga fliers na nag-lalaman ng mga paalala sa sunog at kung paano ito maiiwasan.

Nakapaloob naman sa kanilang bagong slogan o campaign poster ang salitang “Kaalaman at Pagtutulungan ng Sambayanan, Kaligtasan sa sunog ay Makakamtan”.

Samantala, sinabi naman ni Deborja na ang kadalasang dahilan ng mga nangyaring sunog sa Boracay ay sanhi ng kuryente.

Dahil dito nag-paalala naman siya sa mga residente na hanggat maaari ay mag-ingat at huwag basta-bastang magsindi ng kandila at higit sa lahat ay huwag pabayaan na nakasaksak ang mga appliances dahil ito ang itinuturing na kadalasang pinagmumulan ng sunog.

No comments:

Post a Comment