Posted February 25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ini-reklamo
ngayon sa Boracay PNP Station ang isang lalaki ng estafa matapos nitong hindi
mabayaran ang kanyang inutang na pera.
Nakilala ang
nagrereklamong si Maricel Rebatis 38-anyos isang tindira at nakatira sa Sitio
Hagdan Brgy.Yapak, Boracay habang ang suspek ay kinilala sa pangalang Geraldo dating
time keeper sa isang construction site sa isla.
Nabatid na noong
Nobyembre pa umano nangutang ang suspek kay Rebatis na nagkakahalaga ng P15,
000 at nangako itong babayaran nalang pagdating ng kanyang thirteen month pay.
Para masiguro na
mabayaran ay isinangla umano ng suspek ang kanyang ATM card sa kanya bilang
isang collateral.
Ngunit laking
gulat umano nito na naka-blocked na ang ATM ng suspek na kanyang ginamit para
makautang kung saan hindi rin mahagilap ang suspek.
No comments:
Post a Comment