Posted February
24, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tinalakay nitong Martes sa 8th Regular SB
Session ng Malay ang nais na pag-operate ng Air Juan Aviation Inc. ng Seaplane
sa Diniwid Boracay.
Ito ay nakapaloob sa Incoming and Referral kung saan ng
request ang Air Juan company ng SB endorsement para sa naturang operasyon.
Dahil dito ini-refer muna ni Vice Mayor Welbec Gelito sa
Committee on Laws and Ordinance ang naturang request para pag-aralan.
Ang seaplane Jetty ay tila isang private helicopter na
hindi lang puweding e-operate sa himpapawid kundi pwedi rin sa karagatan kung
saan karamihan sa mga ito ay sa mga pantalan lumalanding o dumadaong.
Samantala, matatandaang ipinagbawal na rin ng Sangguniang
Bayan ng Malay ang pag-operate ng dalawang helicopter sa Boracay matapos ang
petisyon ng mga residente at stakeholders dahil sa inililikha nitong ingay sa
pag-operate sa loob mismo ng isla.
No comments:
Post a Comment