Posted February 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakdang magsagawa ng unity walk, covenant signing at
candle lighting ang Commission on Elections, PNP at AFP bukas sa probinsya ng
Aklan sa St. John the Baptist Cathedral, Kalibo ng ala-6:30 ng umaga.
Ito ay bilang pagbibigay importansya sa covenant at ang
papel ng mga kandidato para makamit ang isang mapayapa at maayos na halalan sa
May 2016.
Ang nasabing aktibidad ay dadaluhan ng ibat-ibang
political candidate mula sa provincial at municipal level, PPCRV, PIA, KBP, at
Aklan Press Club.
Kaugnay nito ipinahayag naman ni Police Senior
Superintendent John Mitchell Jamili, OIC, Aklan PPO na ang pangunahing
prayoridad ng pwersa ng mga pulis sa probinsya ay matamo ang Safe and Fair
Elections (SAFE).
Samantala, sinabi pa ni Jamili na ang umaasa lang ang
COMELEC sa local police at military personnel para maging mapayapa ang darating
na eleksyon at maayos.
No comments:
Post a Comment