Posted February 27, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Mahapdi pa ang mukha ng isang babae ng itoy magsumbong sa
Boracay PNP matapos itong sampalin ng kalive-in partner ng kanyang kapatid sa
Sitio Bolabog, Brgy., Balabag, Boracay.
Nakilala ang biktimang si Catherine Beruan 23-anyos, at
ang suspek na si Adelito Oracion 35-anyos kapwa nakatira sa nasabing lugar.
Sa report ng biktima sa Boracay Tourist Assistance Center
o BTAC, pumunta umano ang kapatid nito sa kanyang boarding house para kumuha ng
mantika pero kanya itong pinagbawalan, dahilan para magkasagutan sila at umalis
naman ito.
Subalit, ilang minute ang nakalipas kinumpronta umano ng suspek ang
biktima kung saan muling maungkat din ang kanilang dating away.
Dahil dito nasampal nito ang biktima sa mukha at hindi pa
umano nakuntento ay tinali pa nito ang kanyang kamay ng towel at sinuntok pa.
Samantala, ng pinagharap naman sa Boracay PNP ang mga ito
ay napagkasunduan naman ng biktima na hindi na siya magsasampa ng kaso laban sa
suspek.
No comments:
Post a Comment