Posted February 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ang probinsya ngayon ng Aklan ang pangalawa sa may
pinakamaraming gun ban violators para sa eleksyon 2016 sa Western Visayas na
may bilang na 18.
Sinundan ng Aklan ang probinsya ng Iloilo na may 27
habang pumapangatlo naman ang lalawigan ng Antique na may 16, Iloilo City na
may 15 at Capiz na may 10.
Base sa datos ng Regional Police nakapagkumpiska sila ng
136 items kung saan kinabibilangan ito ng ice pick, kutsilyo, replica, mga
baril at iba pang nakakamatay na bagay na kasama sa ipinagbabawal sa Comelec
gun ban.
Karamihan naman sa mga nahuli sa Aklan ay sa bayan ng
Kalibo kabilang na ang isla ng Boracay matapos ang mahigpit na ginagawang
Comelec chechpoint ng mga pulis sa lalawigan.
Ang Comelec Gun ban ay nagsimula nitong Enero 10 at
magtatapos naman sa buwang ng Hunyo ngayong taon.
No comments:
Post a Comment