Posted February 26, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Apat na araw bago sumapit ang buwan ng Marso ay
nakatakdang magsagawa ng motorcade ang Bureau of Fire Protection (BFP)
Boracay bilang paghahanda sa
Fire Prevention Month.
Ito ang sinabi ni Senior Fire Officer 3 Oscar Deborja ng
BFP Boracay, kung saan ngayong Martes ay
magsasagawa sila ng motorcade simula
ala-6 ng umaga sa Cagban hanggang sa Eco Village sa bry. Yapak.
Maliban dito, nagbabahay-bahay
na rin sila ngayon para mamigay ng mga fliers na nag-lalaman ng mga paalala sa
sunog at kung paano ito maiiwasan.
Nakapaloob naman sa kanilang bagong slogan o campaign
poster ang salitang “Kaalaman at
Pagtutulungan ng Sambayanan, Kaligtasan sa sunog ay Makakamtan”.
Samantala, sinabi
naman ni Deborja na ang
kadalasang dahilan ng mga nangyaring sunog sa Boracay ay sanhi ng
kuryente.
Dahil dito nag-paalala
naman siya sa mga residente na
hanggat maaari ay mag-ingat at
huwag basta-bastang magsindi ng
kandila at higit sa lahat ay huwag
pabayaan na nakasaksak ang mga appliances
dahil ito ang itinuturing na kadalasang
pinagmumulan ng sunog.
No comments:
Post a Comment