Pages

Wednesday, February 24, 2016

Air Juan nais na mag-operate ng Seaplane Jetty sa Boracay

Posted February 24, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Tinalakay nitong Martes sa 8th Regular SB Session ng Malay ang nais na pag-operate ng Air Juan Aviation Inc. ng Seaplane sa Diniwid Boracay.

Ito ay nakapaloob sa Incoming and Referral kung saan ng request ang Air Juan company ng SB endorsement para sa naturang operasyon.

Dahil dito ini-refer muna ni Vice Mayor Welbec Gelito sa Committee on Laws and Ordinance ang naturang request para pag-aralan.

Ang seaplane Jetty ay tila isang private helicopter na hindi lang puweding e-operate sa himpapawid kundi pwedi rin sa karagatan kung saan karamihan sa mga ito ay sa mga pantalan lumalanding o dumadaong.

Samantala, matatandaang ipinagbawal na rin ng Sangguniang Bayan ng Malay ang pag-operate ng dalawang helicopter sa Boracay matapos ang petisyon ng mga residente at stakeholders dahil sa inililikha nitong ingay sa pag-operate sa loob mismo ng isla.

No comments:

Post a Comment