YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 05, 2014

SB Member Danilo Delos Santos, naniniwalang dapat dumaan sa konseho ang mga papasok na security agency sa Boracay

Posted November 5, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Dapat dumaan sa konseho ang mga papasok na security agency sa Boracay.

Ito ang paniniwala ni Committee Chairman for Peace and Order SB Member Danilo delos Santos bilang pagpabor sa sinabi ni SAGU o Security And Guards Unit Chief PSupt. Condrado Carganillo tungkol sa clearance ng mga nasabing security agency.

Ayon kay delos Santos, may mga bagay din umano silang ituturo sa mga security operators kung kaya’t dapat din ang mga itong sumunod.

Kaugnay nito, naniniwala din umano siya na maiiwasan na ang pagkakasangkot ng mga security guards sa kaguluhan kung nasasala din ang mga pumapasok na security agency.

Samantala, magugunitang ikinadismaya ni Carganillo ang pagkakasangkot ng mga security guards sa mga land dispute sa isla kung kaya’t ipinag-utos nito na dumaan muna sa konseho at BSAO o Boracay Security Agencies Organization ang mga bago at papasok na security agency bago mag-operate sa isla.

Nabatid na hindi na rin dapat tumanggap ng kontrata ang mga security agency kapag may problema o kaso ang lupang kukuha ng kanilang serbisyo.

No comments:

Post a Comment