Posted November 5, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang paniniwala ni Committee Chairman for Peace
and Order SB Member Danilo delos Santos bilang pagpabor sa sinabi ni SAGU o
Security And Guards Unit Chief PSupt. Condrado Carganillo tungkol sa clearance
ng mga nasabing security agency.
Ayon kay delos Santos, may mga bagay din umano
silang ituturo sa mga security operators kung kaya’t dapat din ang mga itong
sumunod.
Kaugnay nito, naniniwala din umano siya na
maiiwasan na ang pagkakasangkot ng mga security guards sa kaguluhan kung
nasasala din ang mga pumapasok na security agency.
Samantala, magugunitang ikinadismaya ni Carganillo
ang pagkakasangkot ng mga security guards sa mga land dispute sa isla kung
kaya’t ipinag-utos nito na dumaan muna sa konseho at BSAO o Boracay Security
Agencies Organization ang mga bago at papasok na security agency bago
mag-operate sa isla.
Nabatid na hindi na rin dapat tumanggap ng kontrata
ang mga security agency kapag may problema o kaso ang lupang kukuha ng kanilang
serbisyo.
No comments:
Post a Comment