Posted November 8, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pansamantala ngayong nakansila ang pagpapaalis ng
Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Region 6 sa Boracay West
Cove sa pampublikong timberland area.
Ito’y matapos umanong maghain ang Boracay Island West
Cove Management Philippines, Inc. (BIWCMPI) ng motion of reconsideration sa
DENR-Central Office sa Quezon City.
Ayon naman kay DENR-6 Regional Director Jim Sampulna inatasan
ng paalisin ang Boracay West Cove sa pampublikong timberland area matapos
kanselahin ng DENR ang 25-taong Forest Land Use Agreement for Tourism Purposes
(FLAgT).
Sa kabilang banda sinabi naman ni CENRO Boracay Public
Information Officer (PIO) Jonne Adaniel, na bagamat na isilbi na ang
kanselasyon ng FlagT sa nasabing resort ay normal lang din umano sa ganitong
klaseng kaso na maghain sila ng motion for reconsideration.
Samantala, isa din umano sa nakikitang dahilan kung bakit
nagpalabas si DENR Undersecretary Demetrio Ignacio Jr. ng kanselasyon ng FLAgT
ay dahil sa iba’t ibang paglabag na pangkalikasan ng West Cove Management.
Nabatid na nauna ng inatasan ng Department of Environment
and Natural Resources (DENR)-Region 6 ang nasabing resort na lisanin na ang
kinakatayuan nitong kakahuyan sa isla ng Boracay sa bayan ng Malay, Aklan.
No comments:
Post a Comment