YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, November 06, 2014

Ordinansang nagbabawal sa pag-gamit ng plastic bag at Styrofoam sa Malay, tinalakay sa SP Aklan

Posted November 6, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Tinalakay sa ginanap na 38th SP Regular Session kahapon ang ordinansa mula sa bayan ng Malay na nagbabawal sa pag-gamit ng plastic bag at Styrofoam.

Unang nabatid sa Municipal Ordinance No. 320 ang pagiging “plastic free” ng Malay lalung-lalo na sa isla ng Boracay.

Kaugnay nito, aminado ang mataas na kapulungan ng konseho sa probinsya hinggil sa suliranin sa kapaligiran ng Boracay dahil sa dami ng basura.

Kaya naman umaasa din ang SP Aklan na ito rin ang isa sa magiging solusyon upang ma-sustain umano ang kapaligiran ng isla na maging “plastic free”.

Bagamat inaasahan din umano ng pamahalaang probinsyal na may kahirapan sa pagpapatupad nito, positibo pa rin ang kanilang pananaw lalo na kung maipapatupad ito ng husto ng lokal na pamahalaan.

Gayong halos lahat naman umano ay nagtutulungan sa ngayon para sa Boracay, at maging ang national government ay nakatutok na rin dito sa isla.

No comments:

Post a Comment