Posted November 3, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Generally Peaceful umano ang paggunita ng All Saints Day at All Souls Day o Undas sa buong lalawigan ng Aklan base sa assessment ng
Aklan Police Provincial Office.
Ayon kay APPO information officer P03 Nida Gregas, nakapagtala
umano sila ng zero related Undas incidents sa probinsya simula noong bIsperas
hanggang nitong Linggo.
Aniya, naging mahigpit ang ginawang pag-monitor ng mga
otoridad sa mga public at private cemeteries sa Aklan na dinagsa ng libo-libong
katao.
Wala din umano silang mga naitalang malalaking insidente
mula sa 16 na bayan sa probinsya na may kaugnayan sa paggunita ng Undas.
Nabatid na mas pinaigting ng APPO ang kanilang operasyon
kasama ang Philippine Coastguard, Maritime Police at Philippine Army sa
pangunahing lugar sa lalawigan.
Samantala, kasabay ng pagbuhos ng maraming turista sa
Boracay nitong Undas ay naging matiwasay din ang isla at walang naitalang
malalaking insidente ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).
No comments:
Post a Comment