Posted November 6,
2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Trespassing sa isang Hotel sa station 2 Boracay ang
itinuturong dahilan ng pagkakaroon ng mga pasa sa katawan ng isang Korean
National na natagpuang pakalat-kalat sa Boracay.
Ayon sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), pumasok
umano sa isang Hotel ang Koryanang nakilalang si Lee Gyeong Mi, dahilan para
sitahin ito ng guwardiya ngunit ito’y nagpumiglas at nag-iskandalo sa loob ng
Hotel.
Dahil sa pilit umanong pagpapalabas sa kanya at pagpigil
na pumasok sa loob ay hindi napigil ng guwardiya na hawakan ito ng mahigpit
dahilan para magtamo ito ng pasa sa kanyang ibat-ibang parti ng katawan.
Nabatid na ang Koryana ay wala sa kanyang wastong
katinuan ng makita ng mga pulis sa labas ng isang supermarket sa Brgy. Balabag
nitong nakaraang madaling araw.
Napag-alaman din na ito ay nag-iisa lamang ng pumunta sa
isla ng Boracay para magbakasyon na kung saan ay pansamantalang nanunuluyan sa
isang resort sa Sitio. Bolabog, Brgy. Balabag.
Samantala, palaisipan naman ngayon sa mga otoridad kung
papaano ito nakapag-bakasyon sa kabila ng kanyang karamdaman na hanggang ngayon
ay nasa pangangalaga ng may ari ng resort na kanyang tinutuluyan.
No comments:
Post a Comment