Pages

Monday, November 03, 2014

Paggunita ng Undas sa Aklan, generally peaceful ayon sa APPO

Posted November 3, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Generally Peaceful umano ang paggunita ng All Saints Day at All Souls Day o Undas sa buong lalawigan ng Aklan base sa assessment ng Aklan Police Provincial Office.

Ayon kay APPO information officer P03 Nida Gregas, nakapagtala umano sila ng zero related Undas incidents sa probinsya simula noong bIsperas hanggang nitong Linggo.

Aniya, naging mahigpit ang ginawang pag-monitor ng mga otoridad sa mga public at private cemeteries sa Aklan na dinagsa ng libo-libong katao.

Wala din umano silang mga naitalang malalaking insidente mula sa 16 na bayan sa probinsya na may kaugnayan sa paggunita ng Undas.

Nabatid na mas pinaigting ng APPO ang kanilang operasyon kasama ang Philippine Coastguard, Maritime Police at Philippine Army sa pangunahing lugar sa lalawigan.

Samantala, kasabay ng pagbuhos ng maraming turista sa Boracay nitong Undas ay naging matiwasay din ang isla at walang naitalang malalaking insidente ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

No comments:

Post a Comment