Posted November 6, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Tinalakay sa ginanap na 38th SP Regular
Session kahapon ang ordinansa mula sa bayan ng Malay na nagbabawal sa pag-gamit
ng plastic bag at Styrofoam.
Unang nabatid sa Municipal Ordinance No. 320 ang
pagiging “plastic free” ng Malay lalung-lalo na sa isla ng Boracay.
Kaugnay nito, aminado ang mataas na kapulungan ng
konseho sa probinsya hinggil sa suliranin sa kapaligiran ng Boracay dahil sa
dami ng basura.
Kaya naman umaasa din ang SP Aklan na ito rin ang
isa sa magiging solusyon upang ma-sustain umano ang kapaligiran ng isla na
maging “plastic free”.
Bagamat inaasahan din umano ng pamahalaang
probinsyal na may kahirapan sa pagpapatupad nito, positibo pa rin ang kanilang
pananaw lalo na kung maipapatupad ito ng husto ng lokal na pamahalaan.
Gayong halos lahat naman umano ay nagtutulungan sa
ngayon para sa Boracay, at maging ang national government ay nakatutok na rin
dito sa isla.
No comments:
Post a Comment