Posted July 17, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni Boracay Foundation Incorporated
President Jony Salme kaugnay sa balitang pinaboran na ng Korte Suprema ang
petisyon ng Aklan Provincial Government kaugnay sa Catican Reclamation Project.
Bagama’t tumanggi muna itong magbigay ng pahayag hinggil
sa umano’y naging desisyon ng SC, sinabi ni Salme na maa-accommodate na ng
Caticlan Jetty Port ang lumulubong turismo sa Boracay.
Magugunitang mismong BFI ang naghain ng petisyon sa korte
na ihinto ng Aklan Provincial Government ang 2.6 hectare reclamation project sa
Caticlan dahil sa isyung pangkapaligiran.
Samantala, kinumpirma naman ni mismong Jetty Port
Administrator Niven Maquirang na wala pa silang natatanggap na opisyal na
kumunikasyon mula sa Korte Suprema hinggil sa nagbabadyang pagkabuhay ng
nasabing proyekto.
Magugunita namang halos dalawang taon na ang nakakalipas
matapos harangin mismo ng korte ang proyerkto sa bisa nam
an ng TEPO o Temporary
Environment Protection Order na inihain ng BFI.
No comments:
Post a Comment