Posted July 16, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Namigay umano ng noodles at kape ang Caticlan Jetty Port
sa mga nastranded na RoRo passengers dahil sa bagyong Glenda.
Ayon kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang,
mahigit 100 mga pasahero parin na papuntang Maynila ang kasalukuyang nasa RoRo
Terminal.
Kasalukuyan ding nagmomonitor ang Caticlan Jetty Port at
ang Philippine Coastguard sa lagay ng panahon ngayon kasabay ng pananalasa ng
bagyo.
Samantala, sinabi naman ni Senior Chief Officer Ronnie
Hiponia ng Cost guard Caticlan na umabot sa 346 ang mga nastranded na RoRo passengers
simula nang kanselahin ang biyahe dahil sa nasabing bagyo.
No comments:
Post a Comment