Posted July 16, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ipinag-utos ngayon ng PCG o Philippine Coastguard ang pagsuspende
sa mga sea sports at island hopping activity sa Boracay dahil sa Bagyong Glenda.
Naging ‘zero visibility’ umano kasi ang dagat dahil sa
makapal na buhos ng ulan dulot ng
nararanasang sama ng panahon.
Samantala, patuloy namang nakaalerto ang PCG Caticlan
Boracay at Caticlan kaugnay sa pinakahuling estado ng nasabing bagyo.
Nabatid na marami na ring klase sa mga pribado at
pampublikong paaralan sa Kamaynilaan ang sinuspende dahil sa public storm
warning signal na inilabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and
Astronomical Services Administration o PAG-ASA.
No comments:
Post a Comment