Pages

Thursday, July 17, 2014

BFI, nakikita ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng Jetty Port dahil sa reklamasyon

Posted July 17, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Magiging tuloy-tuloy na umano ang pag-unlad ng Jetty Port dahil sa reklamasyon.

Ito ang sinabi ni Boracay Foundation Incorporated President Jony Salme kaugnay sa balitang pinaboran na ng Korte Suprema ang petisyon ng Aklan Provincial Government kaugnay sa Catican Reclamation Project.

Bagama’t tumanggi muna itong magbigay ng pahayag hinggil sa umano’y naging desisyon ng SC, sinabi ni Salme na maa-accommodate na ng Caticlan Jetty Port ang lumulubong turismo sa Boracay.

Magugunitang mismong BFI ang naghain ng petisyon sa korte na ihinto ng Aklan Provincial Government ang 2.6 hectare reclamation project sa Caticlan dahil sa isyung pangkapaligiran.

Samantala, kinumpirma naman ni mismong Jetty Port Administrator Niven Maquirang na wala pa silang natatanggap na opisyal na kumunikasyon mula sa Korte Suprema hinggil sa nagbabadyang pagkabuhay ng nasabing proyekto.

Magugunita namang halos dalawang taon na ang nakakalipas matapos harangin mismo ng korte ang proyerkto sa bisa nam
an ng TEPO o Temporary Environment Protection Order na inihain ng BFI.

No comments:

Post a Comment