Posted July 16, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Dismayado ngayon ang ilang station 1 establishments sa
sinapit ng kanilang inilagay na bamboo wave breakers.
Bumigay kasi ang mga ito at tinangay ng malakas na alon
dulot ng high tide at malakas na hangin.
Wala namang nagawa ang mga nasabing establisemyento
kungdi bantayan ang mga bamboo wave breakers na halos paisa-isang natatanggal dahil
sa alon.
Ayon naman sa ilang nakakitang residente, mababaw lang
talaga ang pagkakabaon ng mga nasabing wave breakers kung kaya’t madali itong
natanggal.
Nabatid naman sa BRTF o Boracay Redevelopment Task Force
na wala namang standard na sukat kung gaano dapat kalalim ang pagbaon sa mga
nasabing bamboo wave breakers.
No comments:
Post a Comment