Posted July
19, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nanguna sa ranggo ang probinsya ng Aklan mula sa 80
mga probinsya sa buong bansa sa tuntunin ng Local Revenue Generation.
Ito’y batay sa inilabas na Tax Watch ad ng
Department of Finance (DOF) para sa taong 2013 na inilabas kahapon.
Kahit na sinasabing hindi gumagamit ang Aklan ng
napapanahong batayan para sa pagkolekta ng mga buwis.
Nakuha parin ng probinsya ang pinakamataas na “share”
sa Locally Sourced Income (LSI) hanggang sa Annual Regular Income (ARI) na
45.3%.
Dahil dito, nagawa nitong makabuo ng Locally
Sourced Income na P491.755 million mula sa kabuuang taunang kita na P1.086
bilyon.
Samantala, ayon sa DOF maaaring maging mas mahusay pa
ang local autonomy kung maging ang LGUs ay maging “self-reliant communities.”
Patuloy naman ang pagsusulong ng Aklan na mapaunlad
at magkaroon ng epektibong pamamahala lalo na sa pagpapatakbo ng financial
affairs.
No comments:
Post a Comment