Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Ang motorcycle helmet mo ba ngayon ay ligtas gamitin? Walang
bawas? Walang gasgas? O ito ba’y lisensyado at may ICC sticker ng Bureau of
Product Standards?
Kung wala pa, para sa’yo ang balitang ito:
Ang DTI o Department of Trade and Industry-Aklan ay
nagpalabas ngayon ng panawagan at paalala sa publiko tungkol sa paggamit ng
standard protective motorcycle helmets.
Base kasi sa Republic Act No. 10054 o Motorcycle Helmet Act
of 2009, ang lahat ng mga gumagamit o sumasakay sa motorsiklo ay dapat magsuot
ng helmet na naaayon sa istandard.
Kung kaya’t iginigiit ngayon ng DTI na ang mga helmet na
isusuot ng mga motorista ay yaong may ICC o PS stickers.
Huhulihin kasi ng mga taga LTO o Land Transportation Office
ang mga motoristang walang sticker ng BPS o Bureau of Product Standard.
Nararapat lamang ayon sa DTI na dalhin at ipa-check ng mga
motorista sa kanila ang ginagamit nilang helmet upang masuri kung ito ba’y buo
pa, walang gasgas, ligtas gamitin at nakapasa sa standard.
At sa mga walang ICC sticker, maaaring maghanda lamang ng
I.D, isangdaang pisong processing fee at uno bente singko sentimos para sa
sticker.
Ang tanggapan ng DTI ay matatagpuan sa JSM Bldg., Veterans
Avenue, Kalibo, Aklan para sa karagdagang katanungan.
No comments:
Post a Comment