Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Dahil sa tila masyado nang nabaling ang atensyon ng mga
elected officials ng Malay sa mga problema sa Boracay, nagpaalala ngayon si
vice mayor Cesiron Cawaling sa mga komitiba ng konseho na bigyang pansin naman
ang mga problema sa bayan ng Malay.
Partikular na tinumbok nito ang mga sira nang access road sa
mga barangay katulad ng sa sitio Bacolod at Malamig.
Nakita kasi umano ni Cawaling sa kanyang pagpunta doon na
delikado at halos nawawala na ang kalsada sa naturang lugar, dahil sa nawa-wash
out o naaanod ng ulan ang lupa.
At sa paniniwalang marami na ring mga turista ang pumupunta
doon, hinimok ngayon ng bise alkalde ang committee on tourism, committee on
public works and highways maging ang committee on barangay affairs na tingnan
naman ang kondisyon ng nasabing lugar.
Hinimok din ni Cawaling ang konseho na laanan ng budget ang
pagpapalagay ng graba at pagsasayos muli ng naturang kalsada.
Nangako naman ang konseho na kanilang bibigyang pansin ang
inilatag nitong problema, matapos magpasalamat ng mga ito sa kanyang naging
paalala nitong nagdaang Martes sa sesyon.
No comments:
Post a Comment