Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Wala pang dengue outbreak sa probinsya ng Aklan.
Ito ang pinasiguro ngayon ng Provincial Health Officer ng
Aklan Dr. Victor Santa Maria hinggil sa pinangangambahang sakit na Dengue dito.
Bagama’t nang makapanayam ng himpilang ito na ay sinabi ni
Santa Maria na tumaas nga ang dengue cases dito sa Aklan at Malay, sinabi
nitong hindi naman ito maidedeklarang nakakaalarma.
Kaugnay nito, bilang provincial health officer ng Aklan,
minarapat ni Santa Maria na muling ipaalala ang kampanya tungkol sa tinatawag
na “ABAKADA” o “Aksyon ng Barangay Kontra Dengue”, upang tuluyan nang masugpo
ang pagdami pa ng lamok na nagdadala nito.
Nararapat talaga umano na tiyaking ang mga lata, o goma ng
mga sasakyang maaaring pasukin ng tubig at pamahayan ng lamok ay butasan o
pataubin.
Nagpaalala naman ito sa lahat ng mga nakakaranas ng ilang
mga palatandaan ng naturang sakit katulad ng lagnat na magpasuri kaagad sa
pinakamalapit na doctor, upang maagapan kaagad.
No comments:
Post a Comment