YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, July 19, 2012

Demolisyon ng West Cove, nakalutang!


Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay

Nakakasa na ang demolition team at nakabantay na din ang kapulisan.

Pero hindi pa talaga masasabi sa ngayon kung matutuloy ang demolisyon o kung may pagtitibag na mangyayari sa area na hindi sakop ng Flag-T na ibinigay sa West Cove sa Sitio Diniwid, Brgy. Balabag.

Bagamat pagdating ng grupo na kakatawan sa iba’t-ibang departamento ng pamahalaan nitong umaga sa resort upang ilatag ang demolition order ay naging mainit ang pagsalubong dahil sa hindi pinapasok ang mga ito.

Kinalaunan, tila lumamig na rin ang tensiyon makaraang makapag-usap at simulan na ng surveyos na dala ng DENR ang pagsukat sa area na pasok sa 998 meters na nakapaloob sa Flag-T.

Nakasalalay naman ang desisyon sa DENR kung may mangyayaring demolisyon, depende sa mapag-uusapan nila ng management ng West Cove.

Subalit bahagyang natigil ang nasabing pagsusukat nang biglang nawala o umalis ang representante ng DENR sa katauhan ni PENRO Officer Ivien Reyes na sa kasalukuyan ay hinihintay pa rin.

Sa kasalukuyan ay patuloy na naka-stand by ang mga kawani ng LGU sa labas ng resort.

Ang pagsisilbi ng demolition order ay pinangunahan ng DENR at Malay Mayor John Yap.

Kung maaalala, ang West Cove ay naging laman na din ng national TV dahil sa umano ay kawalan ng aksyon ng DENR at LGU Malay sa pagpapasunod sa batas, kabilang na ang pagbibigay ng penalidad sa nalabag na bahagi ng Flag-T at pag-o-operate ng walang permiso mula sa LGU.

No comments:

Post a Comment