Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Kung ang LGU Malay ay may sampung e-trike o electric
tricycle na pumapasada sa Boracay, ang Boracay Land Transportation
Multi-purpose Cooperative o BLTMPC naman
ay may tatlong e-trike din na magsesirbisyo ng libre.
Ito ang inihayag ni Ryan Tubi General Manager ng BLTMPC kung
noong hapon ng Lunes ay dumating na ang tatlong unit na ito, at nakikita na sa
kalsada.
Pero nilinaw ni Tubi na kung pumasada man ang mga ito kahit na wala pang prangkisa, libre
ang serbisyo nito sa mga pasahero, dahil pang test drive pa lang ito, at hindi
katulad sa berdeng etrike sa isla na na pang test drive din, ngunit naniningil
aniya sa bawat pasahero.
Ayon sa General Manager ng BLTMPC, test drive lamang ito at
kapag nakita nilang maayos naman ang kalidad ng mga unit ay may susunod pa umanong
limangpung unit ng e-trike.
Ngunit nilinaw nitong iba ang supplier ng mga unit na ito
kung ikukumpara sa sampung na nauna na.
No comments:
Post a Comment