Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
40 motorsiklo sa kasalukuyan ang hawak ng lokal na
pamahalaan sa Boracay dahil sa ipapa-impound.
Nakatakdang ipatapon ang mga ito pabalik sa mainland Malay
nang mahuling walang permit to transport.
Ito ay matapos maghigpit ang lokal na pamahalaan ng Malay sa
mga motorsiklo at maging sa lahat na uri ng sasakyan ay napakarami na dito sa
isla.
Kaya ang mga sasakyang walang dokumento ay ilalabas na ng
Boracay para mabawasan ang bigat ng trapiko.
Nabatid mula kay Island Administrator Glenn SacapaƱo na ang 20
motorsiklo na ito ay pawang mga walang permit to transport, at doon dapat
asikasuhin ang malabag na batas kapag naipadala na sa mainland.
Subalit sa ngayon ay hindi pa aniya nito alam kung kailan gagawin
ang pagpapatapon sa mga sasakyang ito.
Matatandaang simulang ipatupad nitong buwan ng Hunyo ang
Memorandum Order ni Malay Mayor John Yap na suspendido na ang pagbibigay ng LGU
ng Permit to transport sa lahat na uri ng bagong sasakyang ipapasok sa isla
hanggang sa matapos ang taong ito.
No comments:
Post a Comment