Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Nanindigan si Sangguniang Bayan Member Dante Pagsugiron na
siyang namamahala sa mga e-trike na ito sa Boracay, na wala silang nagawang
paglabag sa ordinansa kaugnay sa
reklamong ibinabato ng Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC)
sa mga unit ng de-kuryenteng sasakyang ito.
Sapagkat ayon sa konsehal, may Special Permit at may
prangkisa ang sampung unit na ito dahil ang SB ay nauna ng nakapag-aproba ng
karagdagang dalawangpung prangkisa sa Boracay na tanging para sa operasyon ng
e-trike lamang.
Katunayan, ayon dito, ang sampu dito ay para sa LGU at sampu
ay inilaan naman para sa BLTMPC.
Maliban dito, kung paglabag sa color coding naman umano ang
pag-uusapan, pareho lamang ang estado ng e-trike na ito sa estado ng mga
multicab ng BLTMPC na wala umanong ordinansa sa isla na nagri-regulate sa mga
ito.
Sa isyung naman ng paniningil, mariing inihayag ni Pagsugiron
na normal lamang na mangingil dahil sa may maintenance ang unit at kailangan
ding kumita ng driver.
Nilinaw din ng huli na walang negosyo na nangyayari sa
e-trike na ito lalo pa ngayong wala naman umanong halos kita.
Umapela din ang miyembro ng SB na kung maaari ay huwag na
umanong pag-isipan pa ng masama ang mga unit na ito.
Samantala, sinabi din ni Pagsuguiron na hindi umano nila haharangin
ang tatlong bagong e-trike ng BLTMPC na dumating kahapon at ang hindi nito
paniningil ng pasahe.
Pero naniniwala itong hindi naman magtatagal ang libreng
serbisyo dahil sa malulugi umano ang kooperatiba kapag ginawa nila ito.
Inihayag din nito na ang tatlong unit ng e-trike ng BLTMPC
ay maaaring mabigyan ng prangkisa dahil may sampu naman talagang inilaan para
sa kooperatiba.
No comments:
Post a Comment