Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Naghahanda na ngayon ang Sangguniang Bayan ng Malay kaugnay
sa balak ng SB Kalibo na magpasa ng ordinansang
maniningil din ng environmental fee sa mga turistang dumadaan doon.
Bagamat ang bayan ng Kalibo naman ang nagsusulong nito, nakita
ng mga konsehal dito na may posibilidad umano na baka balikan din ang ordinansa
ng Malay at ikumpara ito dahil sa may katulad ding batas dito at matanong ang
konseho kaugnay dito, kaya mabuti na aniya kung handa sila.
Para sa Sanggunian, makatarungan naman kung iisipin o akma
naman ang pangungulekta ng environmental fee sa Boracay.
Ito ay dahil ang mga turistang ito ay nagtatagal naman sa
Boracay ng ilang araw, samantala dumadaan lang ang mga ito sa Kalibo.
Dagdag pa dito, kapag ginawa umano ito ng bayan ng Kalibo
tadtad na ng bayarin ang mga dayuhan dahil mula sa terminal fee sa paliparan,
may environmental at terminal fee din Cagban at Caticlan Jetty Port.
Umaasa naman ang SB Malay na titimbangin itong mabuti ng Sangguniang
Panlalawigan ng Aklan bago aprubahan gayong may share namang natatanggap ang
probinsiya sa nakukolektang environmental fee sa Boracay.
No comments:
Post a Comment