Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Pormal nang nireklamo at kinuwestiyon ng Boracay Land
Transportation Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC) sa mga kinauukulang tanggapan
ng pamahalaan ang operasyon ng Electric Tricycle o e-Trikes sa Boracay.
Ito ay kaugnay sa ginagawang pamamasada at paniningil gamit
ang mga unit ng e-Trike na pinamamahalaan ng Sangguniang Bayan ng Malay, sa
kabila na ang layunin sa pagpasok ng unang sampung unit na ito sa isla umano ay
upang ma-test drive lang.
Maliban dito, para sa kooperartiba, malinaw umano itong
paglabag sa Section 2 ng Municipal Ordinance No. 202 na nagsasabing tanging ang
mga unit lamang na may Municipal Transportation Franchising and Regulatory
Board at may prangkisa ang pinapahintulutang makapagbeyahe at makapaningil sa
pasahero kapalit ng kanilang serbisyo.
Bunsod nito, dahil sa matagal na rin nag-o-operate ang
e-trike na ito sa isla at naniningil, pormal nang inireklamo ng BLTMPC ang
operasyon ng e-trike na ito sa Land Transportation Office/LTO- Aklan at mismong
kay Mayor John Yap sa paraan ng isang sulat kalakip ang mga litrato bilang ebidensiya.
No comments:
Post a Comment