“Ang mahirap sa mga kapwa natin Pilipino, alam na
ang batas, pero nagkukunwari pang hindi.”
Ito ang tahasang sinabi ni Island administrator Glenn Sacapaño sa panayam
dito kahapon, kaugnay sa mga ordinansang ipinapatupad sa Boracay, na sa kabila
umano ng mahigpit nilang implementasyon ay may mga lumalabag pa rin.
Kung saan dahil umano sa ugaling pagtuturuan at pagkukunwari na hindi alam
ang batas ay siyang nagpapahirap din umano sa pagpapatupad nila ng mga
ordinansa dito.
Partikular dito ay ang usapin sa paglalatag ng mga istraktura sa
vegetation area.
Ipinagtataka kasi umano nito kung bakit batid naman ng lahat na bawal ito,
pero bakit ginagawa pa rin.
Dahil dito, nahihirapan umano silang tanggalin din ang iba dahil sa
katulad na reklamo.
Naniniwala din si Sacapaño na kapag nangingi-alam na ang pamahalaang
nasyunal sa mga suliraning ito sa isla ay magagalit naman ang karamihan sa
Boracay, pero ang totoo aniya ay nangyari ito sapagka’t ang iba ay wala ring
disiplina.
Gayon pa man, darating din aniya ang panahon na maaayos din ito sa tulong
ng lahat, pati na rin kung kinakailangan tanggalin ang lahat ng istraktura sa
vegetation area.
No comments:
Post a Comment