Sa pangambang maubusan na at maunahan sa lupang ipinagkaloob sa kanila, eksakto
alas 6 ng umaga noong Abril 17, sumugod at inukupa ng mahigit 45 pamilya o mga
nasa dalawaang daang mga ati ang ang lupain na ipinagkaloob ng gobyerno sa bisa
ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) noong Enero 21 ng nakaraang
taon.
Subalit sa mga nakabinbin na mga kaso hinggil sa lupain na sakop ng Brgy.
Manoc-monoc na may sukat na mahigit dalawang hektarya dahil sa ibang claimants
ay hindi muan nila ito ginalaw.
Sinorpresa ng mga Ati kasama ang kanilang supporters na mga madre at pari
kasama ang ilang taga Boracay ang tagabantay ng lupa at binakuran ito
agad-agad.
Bagamat wala namang tensyong nangyari, naghanapan naman ng dokumento ang
magkabilang panig para sa maayos at tahimik na pakikipag-usap.
Matatandaan na nakaraang taon pa sana lilipat ang mga ati sa nabanggit na
lupain pero dahil sa mga kasong nakabinbin sa Kalibo RTC Branch 5 at NCIP (Nationbal
Comission on Indigenous People) en banc, nababahala sila na baka tumagal pa ito
at patatayuan ng ilang claimants ang kanilang lupa dahil sa patuloy na pagsikip
ng Boracay baka wala na silang matitirhan na espasyo ng lupa.
Sa kabilang banda, may hawak naman di-umano na tax decleration ang kampo
ni Rudy Banico, rason na hindi rin nila basta-basta lilisanin ang lupain.
Patuloy ang paglalagay ng mga bakod sa mahigit na dalawang ektarya na
lupain ng mga ati at nagdaos din kanina ng misa sina Father Adlay at Father Boy
doon din mismo sa area para ipakita ang kanilang supurta sa mga katutubong mga
ati dito sa Boracay.
No comments:
Post a Comment