Bagamat malaki ang tax target collection para sa ng distrito ng Aklan
ngayong taon na isang daang at pitong milyong piso, kampante si District
Revenue Officer Ricardo Osorio ng Bureau of Internal Revenue – Aklan (BIR-Aklan)
na maaabot nila ang target na ito.
Ito ay dahil nitong Marso ay nalampasan nga nila ang target para sa
nasabing buwan, kaya umaasa at nakikita naman umano nila na positibo ang tugon
ng mga tax payer.
Gayon pa man, nanawagan at humihiling pa rin si Osorio sa mga tax payer na
sana ay ideklara ang tamang kita o revenue nila at magbayad ng tamang buwis.
Pina-alalahanan din nito ang may mga tax payer na mag sumite o ayusin kaagad
ang kanilang mga obligasyon bago pa man ang itinakdang deadline dahil sa natapos
na ang deadline sa pagsumite ng Income Tax Return o ITR.
Noong Abril 20 naman ang deadline sa pagsumite ng para sa VAT at non-VAT.
Samantala, sa kabila nito na abala aniya ang kanilang kawanihan ngayong
buwan ng Abril dahil sa pangungulekta ng mga buwis, tila nabawi naman aniya
ito, sapagkat pinarangalan ang BIR-Aklan dahil sa pagkakasungkit ng probinsiya ng
pagkilala bilang No. 1 sa Collection Performance sa buong rehiyon ng Panay
ngayong unang bahagi ng taon 2012.
No comments:
Post a Comment