Sinopla ni Vice Mayor Ceciron Cawaling ang mungkahi ni SB Member Wilbec
Gelito na ipatawag ng konseho ang mga department heads ng LGU Malay para
malutas ang anumang problemang namamagitan sa mga ito na nakaka-apekto naman sa
paghahanda at implementasyon ng proyekto sa bayan at Boracay.
Ayon kay Cawaling, ang usaping kagaya nito ay dapat na ipaubaya nalang sa
Punong Ehekutibo dahil sa ilalim umano ito ng kaniyang kapangyarihan lalo pa at
ang sangkot ay mga namumuno sa departamento.
Gayon pa man, ang magagawa aniya nila sa pagkakataon ito ay paalalahanan
si Mayor Jhon Yap kaugnay sa problemang ito para siya na ang bahala na
magpatawag sa mga sangkot sa paraan ng isang Executive Meeting.
Pero hihilingin aniya nila sa Alkalde na kung maaari ay dapat ang ito
mismo ang manguna at pumagitna sa Executive meeting na ito at hindi kung
sino-sino lang.
Gayon pa man, ayon sa bise alkalde, kasama sa hihilingin nila kay Mayor
Yap ay imbitahan din ang konseho sa nasabing pulong, nang sa ganon ay malaman
din nila kung ano na ang nangyayari sa mga departamentong ito at maipa-abot din
nila ang kanilang problemang nararanasan sa mga ito.
No comments:
Post a Comment