Nilinaw ngayon ni Neneth Graf, Pangulo ng Boracay Island Paddlers
Association na iba ang aktibidad na ikininasa nilang 6th Boracay International
Dragon Boat Festival.
Sinabi na walang kinalaman dito ang Philippine Kanoe Kayak Federation at Philippine
Dragon Boat Federation (PDBF).
Kung saan layunin umano nilang mga lokal na magsasagwan na mapakilala din
ang Boracay bilang Sporting events maliban sa ibang maipagmamalaki ng Boracay
katulad ng mapuputing buhangin dito.
Ginawa ni Graf ang pahayag na ito kasunod ng isyung pumapagitna sa
Philippine Kanoe Kayak Federation at Philippine Dragon Boat Federation o (PDBF)
na kapwa naman inimbitahan sana ng BIPA para pumagitna sa kanilang aktibidad.
Samantala, suportado naman ng Aklan Tourism Council ang aktibidad na ito,
kung saan mismo ang taga Tourism din ang nagpadala ng mga Tribu ng Ati-ati
upang magbigay kulay din para sa pagbubukas ng nsabing aktibidad.
No comments:
Post a Comment