Hindi magiging konplekto sa ordinansa at pangalan ng isla
ang pagkakadeklara ng Department of Tourism sa Boracay na “Party Island of
Asia”.
Ito ang paniniwala ni Boracay Island Administrator Glenn Sacapano,
sa kabila ng ipinapatupad ditong ordinansa.
Partikular na tinukoy nito ang ordinansang nagsasabi na pagdating
ng alas dose ng hating gabi, ang lahat ng bar ay dapat bawasan na ang lakas ng
tugtog.
Sa panayam dito, sinabi nito na hindi naman ito problema
kung sakali, dahil tuloy parin ang mga party o event.
Basta ang mahalaga ay hindi lang makalikha ng ingay at
makakaisturbo sa ilang namamahinga na.
Samantala, para matapos na ang problemang ito sa ingay o
noise pullotion sa Boracay, sa darating na buwan ng Agusto ng kasalukuyang taon
ay mahigpit na umano nilang ipapatupad ang batas na dapat ang mga bar dito ay
sarado na ang gusali habang nagsasagawa ng operasyon ang isang bar o enclosed
space.
Ito’y upang ang malakas na tugtug mula sa mga
establishemento katulad nito ay hindi na makapag-istorbo sa mga nagrerelax o
natutulog na bakasyunista.
Inihayag din nito na ang lahat aniya ng mga may ari ng bar
sa Boracay ay nagpaabot na ng kanilang pangako na tutupad sa batas na ito sa
isla.
No comments:
Post a Comment