Posted February 6, 2018
Ni Teresa P.
Iguid, YES THE BEST Boracay
Ginawaran ng pagkilala ng Aklan Sangguniang Panlalawigan
ang paralympic swimmer na si Edwin Villanueva ng bayan ng Malay matapos nitong
maiuwi ang ika-apat na pwesto sa International Swimming Competition na ginanap
sa Malaysia at Dubai.
Sa panayam ng himpilang ito sa kanyang coach na si Luneta
Tumaob, sinabi nitong hindi naging hadlang kay Villanueva ang pisikal na
kakulangan nito at ang pagiging baguhan kumpara sa kanyang mga nakalaban sa
larangan ng swimming upang mai-uwi ang tagumpay.
Kwento ni Tumaob, nasa 42 na mga bansa ang nakibahagi sa
nasabing aktibidad at si Edwin umano ang pinakabata sa edad na 18-taong gulang
lamang.
Dagdag pa nito 6 ang mga kalahok mula sa koponan ng
Pilipinas at isa si Edwin sa nag-representa mula sa probinsya ng Aklan.
Magugunitang naganap ang 9th Asean Para Games sa Kuala
Lumpur, Malaysia noong September 17-23, 2017, at Youth Asean sa Dubai noong
December 10-16 2017.
Samantala nakatakda namang tumulak sa araw ng linggo si
Villanueva sa Maynila upang paghandaan naman ang susunod na kompetisyon na
gaganapin naman sa US sa May 24 hangang June 4.
No comments:
Post a Comment