Posted February 8, 2018
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
“Maapektuhan ang turismo ng isla ng Boracay kapag hindi
pinuna ang ibang iligal na gawain ng mga lady boy”.
Ito ang pagpupuna ni Sangguniang Bayan Member Dante
Pagsuguiron na aniya hindi na ito bago dahil matagal na itong reklamo at
problema sa isla.
Nais ng huli na pagtuunan ng pansin itong problema dahil
ang ilan sa mga ito umano ay nanghaharang at nag-aalok ng serbisyong-sekswal at
kung tanggihan ay kanilang hina-harass.
Umaabot din minsan sa sitwasyon na kapag lasing ang
hinarang ay kanilang pinagnanakawan.
Ayon pa kay SB Fromy Bautista, mga foreigner ang
karamihang biktima sa ganitong mga insidente na kadalasan ay hinaharang sa
madilim na area ng front beach.
Kaugnay nito, iimbitahan sa susunod na session ang tatlong
Punong Barangay sa Boracay, Tourism Office, DOT at Boracay PNP para sa masusing
pag-uusap kung paano ito maaksyunan ng mga kinauukulan.
No comments:
Post a Comment