Posted February 6, 2018
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Upang mas mapanatili
ang kapayapaan, kaayusan, at mapaigtingin pa ang pagbabantay sa isla ng
Boracay, binuo ngayon ang Metro Boracay Task Force.
Ayon sa bagong itinalaga mula sa Police Regional Office –
6 na si Boracay Joint Task Force PSUPT Ryan Manongdo ng Peace and Order
Division, itong bagong tatag na grupo ay isang daan para mas lalong maprotektahan ang seguridad
ng Boracay.
Nagsimulang
i-deploy ang mga kapulisan na bahagi
ng task force kung saan nasa jurisdiction din nila ang mga
katabing bayan ng Buruanga, Nabas, Ibajay at Mainland Malay.
Sa ngayon nasa isang daan at tatlumpo na mga police
personnel ang siyang bubuo sa naturang Metro Boracay Task Force.
Ang mga ito ay nagmula sa Police Regional Office o PRO 6.
No comments:
Post a Comment