Posted February 8, 2018
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Nagbigay ng anim na buwan si Pangulong Rodrigo Duterte sa
Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of
Interior and Local Government (DILG) upang maayos ang problemang kinakaharap ng
tinaguriang number one tourist destination
ng bansa, ang isla ng Boracay.
Isa sa mga pangunahing iimbestigahan ay ang establisyementong may violation kasama ang mga opisyal at mga indibidwal na
nagbigay permit to operate.
Bago nito, pagkatapos ng ginawang pagbisita at aerial
inspection sa Boracay nitong Enero nina DOT Secretary Teo at DENR Secretary
Cimatu, isang Executive Order ang ibinalangkas ng dalawa para i-rekomenda sa
pangulo.
Sa ngayon, habang pinag-aaralan pa ni Duterte ang EO ay
nais nito ng mabilisang aksyon kung kaya’t nag bigay ito ng anim na buwan para ayusin ito ng DENR at DILG.
Sa isang pahayag, ani DOT Usec Kat De Castro ang
nakikitang dahilan ng pangulo kung bakit nagkaroon ng ganitong problema ang
Boracay ay dahil umano sa kurapsyon.
Sa panayam naman ng Yes The Best kay DENR-6 Regional
Director Jim Sampulna, masyadong “confidential” pa sa ngayon para ibahagi ang
gagawing aksyon ng kanilang departamento sa Boracay subalit isa lang umano ang
sigurado at ito ay dismayado ang Pangulong Duterte.
No comments:
Post a Comment