Posted February 6, 2018
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Patuloy ang pagsulong ng ECPAT o End Child Prostitution,
Child Pornography and the Trafficking of Children for Sexual Purposes sa usaping
proteksyon sa mga kabataan lalo na sa Boracay.
Sa panayam ng himpilang ito kay ECPAT Officer Janice
Talic, patuloy ang kanilang kampanya laban sa anumang uri pang-aabuso na
maaaring mangyari sa mga kabataan.
Sa katunayan, may ordinansa ng naisulong ang Sangguniang
Bayan ng Malay na layuning mapigilan ang “Child Sex Tourism” at para may legal
na basehan sa striktong paghingi ng mga ng mga resort hotel ng dokumento sa
pagkakakilanlan ng mga bisita lalo na kung may kasamang bata.
Dagdag pa ni Talic, nakaka-alarma na sa ngayon ang online
abuse kung saan ito ang kinakasangkapan para makabiktima ng mga kabataan.
Nabatid na katuwang nila sa adbokasiyang ito ang mga
government agencies tulad ng MSWDO at PNP na siyang kaagapay sa kanilang mga
hakbangin.
Samantala, paalala naman nila sa mga guro na palaging
paaalalahanan ang mga estudyante at sa mga magulang naman ay tamang pag-gabay
sa mga ito.
Aniya, maaring maging dahilan din ito ng depresyon at
bullying oras na masadlak ang kanilang mga anak sa maling environment at
sinasamahang tao.
Ang ECPAT ay may adbokasiyang naglalayon pangalagaan ang
kabataan para makaiwas lalo na sa pang-aabusong sekswal.
No comments:
Post a Comment