Posted February 6, 2018
Ni Teresa A. Iguid, YES THE BEST Boracay
Tatlong E-trike
at dalawang tricycle drivers na ang nasampolan matapos hindi magpasakay at namimili
ng pasahero sa Isla ng Boracay.
Katuwang ang
BLTMPC, ayon kay Malay Transportation Officer Cesar Oczon nasa kabuuang limang mga drivers na umano ang
kanilang nahuli at naipatawag mula noong buwan ng Enero hanggang sa
kasalukuyan.
Ani Oczon, pinatawan
umano ang mga ito ng 15-days suspension at pinagbayad ng kaukulang penalidad.
Dagdag pa nito
sakaling ulitin pa ng mga nahuli at naisumbong na drivers ang kahalintulad na
violation ay mas mabigat at mataas na parusa ang kanilang kahaharapin.
Paalala naman ni
Oczon sa publiko na sakaling mangyari ito kanino man ay kunin lamang ang body
number ng sasakyan , ang apelyido na nakalagay sa uniporme ng driver at ang
oras at lugar na pinangyarihan ng pagbabalewa sa kanila.
Bukas din umano ang kanilang tanggapan sa pag-tanggap ng
reklamo, maaari umano silang tumawag sa opisina ng Malay TransportationOffice sa numerong 288-8767.
Samantala mensahe
naman ni Oczon sa mga drivers na may mga tungkulin at responsibilidad ang mga
ito sa mga pasahero kaya nararapat
lamang na may respeto at serbisyo sa bawat pasahero.
No comments:
Post a Comment