Posted November 8, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Nasa bidding na ang 20 million budget para sa gagawing
road construction sa isla ng Boracay.
Ito ang sinabi ni Engr. Murielle Macavinta ng Provincial
Engineer Office o PEO matapos siyang makapanayam ng himpilang ito.
Aniya, pino-proseso na nila ang bidding para sa
pagsasa-ayos ng mga lubak at baku-bakong kalsadahin lalo na sa mainroad dito sa
isla at upang maresolba na ang problema na kinakaharap ng mga motorista at mga
Boracaynon.
Kapansin-pansin na kulang sa maintenance ang kalsada at
walang asphalt overlay na minsan ay binabaha pa dahilan para takaw disgrasya sa
mga dumadaan.
Kaugnay naman sa paglatag at konstruksyon ng sewer
pipeline ng mga water utilities sa kalsada , sinabi niya na binigyan nila ito
ng pahintulot para sa kanilang expansion o proyekto pero dapat din nila itong
sa orihinal na kondisyon.
Habang nagpapatuloy ang BIWC sa expansion ng kanilang
sewer line, nag-umpisa na rin ang Boracay Tubi Systems Inc. ng kanilang
excavation at pipe laying sa ManocManoc.
Ayon pa sa PEO, inaasahan na masisimulan na ang road
construction sa 1st quarter ng taong 2018.
Kung maalala, naging malaking hamon sa pag-usbong ng
Boracay ang kakulangan sa imprastraktura dahil na rin sa hindi mapigilang
pagdami ng tao at pagpasok ng mga malalaking investor.
No comments:
Post a Comment