Posted November 8, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Sa panayam ng himpilang ito kay Malay Comelec Officer
Elma Cahilig, sa kasalukuyan patuloy ang
pagbisita ng mga bagong botante, mga nagpa-reactivate at nag-proseso sa
pagpalit ng kanilang apelyido.
Nabatid na awtomatikong magiging regular voters at hindi
na kinakailangang magparehistrong muli ang mga nasa 18-anyos bago ang May 14 ng susunod na taon na
nagpa-rehistro sa SK noon.
Kaugnay nito ang nasa edad 15-anyos o bago ang araw ng
eleksyon ay maari ng magpa-rehistro para sa Katipunan ng mga Kabataan (KK) kung
saan ang mga kabataang nakapagparehistro na nitong nakaraang Abril ay hindi na
kinakailangang magparehistrong muli.
Habilin ng COMELEC na kailangan magdala ng ID ang mga
magpapa-rehistro bilang Regular Voter habang Certificate of Live Birth o
Baptismal Certicate naman para sa mga lalahok sa Katipunan ng Kabataan
election.
Samantala, bukas ang opisina ng Comelec- Malay hanggang
sa ika- 30 ng Nobyembre bilang pinakahuling araw ng rehistrasyon kung pagbabasehan
ang COMELEC Resolution No.10214.
No comments:
Post a Comment