Posted November 8, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Sa ginanap na pulong sa Caticlan Jetty Port, inihahanda
na ang mga preparasyon at seguridad na ilalatag para sa maiden call ng
nabanggit na cruise ship sa darating na ika-22 ng Nobyembre.
Nabatid na ito ang ika-11 na barkong bibisita sa isla
ngayong taon lulan ang nasa 4,000 na mga pasahero at 1,900 na mga crew na ganap
na darating ng alas-syete y medya ng umaga at magtatagal hanggang alas- kwatro
y medya ng hapon.
Dahil sa ito ang kauna-unahang pagbisita ng naturang
barko, isasagawa rito ang maikling programa at exchange of plaques.
Kaugnay nito ang MS Millenium naman ay bibisitang muli sa
isla ng Boracay sa ikalawang pagkakataon sa taong ito sa Nobyembre 21.
Samantala, limang barko pa ang hihintayin para mabuo ang
labing-anim na bilang ng mga dadaong na cruise ship sa isla bago magtapos ang
taon.
No comments:
Post a Comment