Posted November 8, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Sinaksak-patay ang isang trabahador ng kanyang kasamahan
na steel man matapos ang hindi pagkaka-intindahan sa kanilang barracks sa Sitio
Lapus-lapus, Brgy. Balabag, Boracay.
Sa blotter entry ng Boracay PNP, kinilala ang biktima na
si Rodel Villamor, 42-anyos, tubong Tablas, Romblon habang ang suspek ay si
Eldy Abenasa, 39-anyos ng San Fernando Masbate.
Ayon sa i-denitalye ng witness na katrabaho rin ng
dalawa, nag-iinuman umano sila ng biktima at dalawa pang kasamahan sa kanilang
barracks ng bigla nalang pumunta itong suspek at dito na nagkaroon ng
komprontasyon ang dalawa.
Salaysay pa ng witness na sinabihan ng suspek si Villamor
bago ito umalis na hihintayin niya ito sa labas ng barracks.
Nabatid na matapos ang kanilang inuman ay iniwan ng
biktima ang witness na kumakain ngunit ilang minuto ang nakalipas narinig
nitong humingi na ito ng saklolo at sinabing nasaksak ito.
Dahil dito, pinuntahan ng witness ang biktima at dito
niya nakita na may tama ng saksak sa dibdib si Villaflor.
Agad na dinala nito ang biktima sa isang clinic subalit
makalipas ng ilang minuto ideneklara itong wala ng buhay ng doktor na sumuri
dito.
Ang bangkay nito ay dinala na sa Prado Funeral sa bayan
ng Malay habang ang suspek ay na-arestado ng Boracay PNP.
No comments:
Post a Comment