Posted November 8, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Itinalaga ngayon ng Police Regional Office – 6 para
mangasiwa sa Peace and Order Division ng Boracay Joint Task Force si PSUPT Ryan
Manongdo.
Sa panayam sa Boracay Good News, prayoridad ni Manongdo
ang pagtaas sa standard ng paninilbihan ng kapulisan sa mga turista lalo na sa
pakikipagharap sa mga ito dahil isa umanong pribilehiyo ang manilbihan sa
Boracay.
Aniya, mahalaga ang tamang pakikitungo at pag-uugali
dahil hindi biro ang trabaho ng mga pulis sa isla.
Dagdag pa ni Manongdo, nais niyang protektahan ang imahe
ng isla lalo na sa mga turistang nagbabakasyon.
Sa kwento ni BTAC Chief Mark Gesulga, sikreto daw na
umiikot si Manongdo na nakasuot ng sibilyan para masubaybayan kung ano ang
sitwasyon sa Boracay at para makita nito kung paano mag-trabaho ang mga pulis
sa beachline.
Samantala, layunin din ni Manongdo na walang ibang
sasabihin ang turista pag-umuwi ng kanilang lugar kundi maganda ang isla at
maganda ang kanilang karanasan sa pagbakasyon dito.
Si Manongdo ay kabilang sa mga naging awardee ng PNP
bilang Most Outstanding Police of 2016.
No comments:
Post a Comment