Posted November 9, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay
Photo Credit: SP-Aklan |
Inaprubahan na nitong Lunes November 6,2017 sa 59th
Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan Aklan ang terms and conditions para
sa P420 M na uutangin ng probinsiya sa Land Bank of the Philippines.
Inaprubahan ito ng Committee on Appropriations, Budget,
Finance and Ways and Means ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan sa kahilingan
ni Governor Florencio Miraflores.
Kabilang sa mga proyektong paglalaanan ng budget ay
pagsaayos ng Aklan Training Center na may budget na P30 million, Provincial
Engineer's Office 20 million, Paseo de Akean P 10 million, expansion ng
Provincial Assessor’s Office P 8 million, at improvement ng ABL Sports Complex
na may kabuuang budget na P 22 million.
Kabilang din sa paglalaanan ng budget ang pag-improba ng
pasilidad sa Caticlan Jetty Port and Terminal na may inilaang pondo na 300
million at P 30 million naman sa pagbili ng ibat-ibang mga heavy equipment ng
probinsya.
Matatandaan na noong Pebrero ay inaprubahan ang planong
pag-loan ng probinsya sa LBP sa 28th Regular Session ng SP-Aklan na ayon sa
isinagawang naunang committee hearing ay may kakayahan ang Aklan mangutang ng P
1.5 Billion ayon sa Land Bank of the Philippines.
No comments:
Post a Comment